Monday, January 26, 2009

Walang agawan ng thesis topic

Hindi porket ilang taon mo nang minahal yang topic na iyan, ibig sabihin walang pwedeng maunang kumuha. Declare dibs, mare. Kesyo naunahan ka sa gusto mong thesis topic galit ka na nun? Ay, oo nga, ikaw pala me karapatang magalit kasi kukupad kupad ka kaya ka naunahan. Lupet mo.

Tapos, tamang may-I-take-over ka sa thesis topic ng iba. Lakas ng effort, grabe. Lakas ng effort mang-agaw. Parang nanunulot lang ng boyfriend a. Iyong-iyo na, 'wag mo na isoli. Hahaha. Sige, sabi mo nga e, tapos na yun. Talaga lang ha?! Kahit para sayo, tapos na yun, hahabulin at hahabulin ka parin ng karma. (May galet ang lola mo, wahaha.) Para kang si Angelina Jolie kay Jennifer Aniston. Ikumpara daw ba si Brad Pitt sa thesis. *halakhak* Showbiz daw e. Tangina parang bakla.

Asa naman diba, alangan namang nilandi ka nung thesis topic kaya wala kang nagawa kungdi maakit diba? Halleeeer?! Kelan pa naging ganon? Ikaw, mare ang may kasalanan. Oo, ikaw. Wala na ngang iba pa. Ikaw lang. Ikaw. Ikaw. Ikaw.

Kung hei batchoy nalang sayo. Mwahahaha. Idaan daw ba sa panlalait! Teka baka ako yung makarma. Ay, basta ko, wala ko diyan. Bagabagin ka sana ng kunsensya mo(kung meron man, kung sino ka man).

PS. Hindi ako yung nang-agaw ng thesis topic, at hindi rin po ako yung naagawan. Ang totoo niyan, ni wala pa nga akong thesis topic. 'Yun yon e. Happy new year ;)