Monday, January 19, 2009

Komunikasyon 2

Kung sino man ang nagsabi na ang ibig sabihin ng inaaral kong Kom 2 ay Komunismo 2.. na ang pre-req ay Kom 1 na Komunismo 1... lumubog na sana sa lupa at lamunin ng mga detritus feeders.

Gusto ko na talagang lumipat ng blog, umalis dito. Mamasyal. Bumili ng bagong pc, mag-isip ng bagong hobby, magsimula ng bagong buhay (parang ex-convict haha). Wala akong makausap na matino. Sa totoo lang. Kaso para kay Sir Del Mundo (Bossing, nagagawi ka ba dito?) siguro, mga hanggang March. Abot yan, hanggang March. Pagpatak ng April, o kaya pagkatapos ng huling araw ko sa klase ko ng Kom 2, delete na talaga tong blog na to. Kagaya nung nangyari sa misteryosong blog ko na naglahong parang bula. Parang ganun. Delete. Delete. Tagalog daw dapat. Ano bang Tagalog ng "delete"?

Nakanaman kala mo gagawin ko nga talaga. Gago, magpapalit lang ako ng url.

Hindi ako bibitiw sa pangako. Demon, go away.