Pagkatapos mong gumising, natulog ka lang ulit. Kanina tuwang tuwa ka humiwa ng queso de bola. Ilang araw nalang tapos na ang bakasyon mo, gusto mo nalang isipin na oras na para uminom ng kape.
Kape, para magising ka. Kape, kapag alas singko na ng umaga at nagmamadali kang pumasok sa eskwela ngunit hindi ka pa nakakapag-agahan. Kape, para hindi ka antukin habang nagbabasa ng sangkaterbang photocopy. Kape, para hindi ka makatulog sa oras na dapat ay gising ka.
Bago matapos ang taon, sabi mo sa sarili mo, next year. Next year, pupunta ako ng Sagada, pupunta ako ng Boracay. Next year, thesis. Next year, mag-aaral na akong mag-drive, ng iba pang lengguwahe... sabi mo, next year.
Ito na yun. Ito na yung next year pero natutulog ka lang. Sasabihin mo, may bukas pa. Sa isang buwan siguro. Sabi mo, mamaya nalang.
Meron mga bagay na hindi na dapat pang paabutin ng next next year. Inom ka nalang muna ng kape. Wag na Coffee Bean and Tea Leaf, mas mura yung sa McDo.