Ang buhay puno ng sorpresa. Kahit anong gawin mong paghahanda, kahit bumili ka ng sangkatutak na insurance, kahit magpahula ka araw araw, wala atang paraan para makita mo kung anong kabuuan ng mangyayari bukas, sa isang araw, o kaya sa isang buwan.
Teka lang, sandali. Wait.
Yun lang yung gusto ko sabihin paulit-ulit (at ulit). Ang mahirap kasi, hindi pa naiimbento yung "pause" option para sa totoong buhay. Walang save point, walang save file, walang undo.
Hindi ako naghahanda at hindi pa talaga ako handa. Parang kotseng walang preno, kabayong walang prenda, ang buhay tuloy-tuloy ang takbo. Ang sarap sumabay sa agos ng hangin, sa ihip ng tubig. (Haha, baligtad) Masaya kung sa masaya, pero totoo rin naman na maraming ibang bagay na mas importante kesa sa pagiging komportable.
Teka lang, sandali, ayoko nang magkamali ulit.