Maraming mga tao na walang kakayahan ang dila na sumunod sa sinasabi ng kanilang utak. Bakit kaya? Marami ring mga tao na iisang damdamin lang ang kayang damhin. Palaging bugnutin, palaging galit, palaging malungkot, palaging nagdurusa, palaging nagsisintir... tuwing makikita mo, iisa lang ang hilatsa ng mukha: hindi maaliwalas.