
Iyon lamang may matibay na pananalig sa kathang isip na Diyos ang tanging makakakita ng sanggol sa sabsaban. Isang materyalistikong pananaw, tayo ang lumilikha sa Diyos, sa relihiyon na nangangatuwiran na kailangan magsimba tuwing Linggo, sa kulturang nagsasabi na ang pagbati ng pasko ay simbolo ng panghihingi ng regalo. Napakababaw.
Hindi ko kailangan ilublob ang aking puso sa sabong panlaba dahil wala akong kasalanan na dapat hugasan. Hindi ko kailangan hanapin ang Diyos na matagal ko nang nahanap, hindi sa sabsaban kungdi sa aking gunita.
Walang sanggol sa sabsaban. Huwag kang magkakamali na sabihing wala akong pananampalataya, dahil lang hindi ako naniniwala sa sanggol na tinatawag mong Diyos.