Tuesday, December 16, 2008

Biktima ako ng pagkakataon

Mas nakakalamang ang bahagi ng utak ko na nagpupumilit na magsabi na matiwasay ang nakaraang DevSoc Team Building Activity na naganap. Paraanin natin ang bahagi ng utak ko na nagsasabing hindi.

Palipasin na natin yung pagka-antala nung programa. Isang (hindi magandang)kaugalian yung sasabihin mong 8:00am, tapos hindi naman pala magsisimula sa itinakdang oras. Tapos ang gulo-gulo nung Amazing Race. Naisip ko tuloy, pinag-isipan ba nila mabuti nang buuin nila yung programa? Nasubukan ba nila magmanik-manaog, tumakbo-takbo, paikot-ikot at pabalik-balik sa lugar na pinag-ganapan nung Team Building? Hindi ata nila isinaalang-alang na maaring may mga taong mahina ang katawan. Kelangan pa bang i-memorize yan?

Sa lahat ng kinaiinisan ko, yun' ay yung mga killjoy na tao. Ang taas taas ng lebel ng kasiyahan at adrenaline ko, parang posporong nawalan ng sindi dahil sa isang taong sungit-sungitan. Sabihin na nating nagkamali kami. Suka't akalain mo na tarayan niya kami, sa kabila ng katotohanan na may pagkukulang rin naman siya. Nakaka-imbyerna. Dapat sa mga ganung marshal, hindi na sinasali.

At, bakit ako naging pasaway? Haha, dahil hindi ko kinain yung itlog na hilaw? Kung iyon lang ang dahilan e ang babaw. Pero okay lang, kadire naman talaga. Kung medyo istariray ako kagaya nung isang taong hindi ko na babanggitin ang pangalan, siguro nagmura rin ako kagaya niya.

Tama, tama. Whatever yaya, you're such a loser.