Nakakabutas pala ng tiyan ang maghintay sa isang taong walang balak dumating? Patanong kunyari pero hinde. Nakakaloko. Kelan ka nga naman nakakita ng biyaheng MCU sa LRT? Wag ka nang sumagot kasi rhetorical question 'yun.
Sabi ko iinom ako ng gamot ko sa tamang oras. Sabi ko lang yun. Kunyare rebelde daw ako. Bakit, sino bang me karapatan magdikta kung ano ang tamang oras ng pag-inom ng gamot? Sino?! Parang gago.
Nung isang araw - teka, kahapon lang ata yun - nabasa ko yung tungkol sa first-mover advantage. Pag daw ikaw ang naunang magtayo ng negosyo, mahihirapan na yung mga susunod na piratahin yung ginagawa mo. O kaya daw, sa magkaribal sa pag-ibig, lamang yung unang magpaparamdam o manliligaw. Hindi rin 'no!
Nung nagtatarbaho pa ako, ang pangganyak ko sa sarili ko, para huwag akong mabato sa paulit-ulit kong pagsagot ng telepono e abangan yung day off ko. Ngayon, pag sobrang toxic ako sa eskwela, ang inaabangan ko palagi, Sabado. Linggo palang nag-aantay na ulit ako ng Sabado. Kung pede ko lang takasan yung ibang araw ng linggo, gagawin ko na.
Malapit narin pala matapos yung unang semestre. Ang korni. Ayoko talaga ng mga klase ko pag Miyerkules. Parang ang saya sumuko. Yey undergrad! Hindi rin.
No comments:
Post a Comment