Monday, March 9, 2009

Zsa Zsa Zaturnnah (Ze Muzikal)

Nanood ako ng pagtatanghal ng Zsa Zsa Zaturnnah noong nakaraang Sabado sa Cultural Center of the Philippines. Grabe, wagi.

Super ganda ng hubog ng katawan ni Eula Valdez na gumanap bilang Zsa Zsa Zaturnnah. Sabi nga e, "victoria, winner!!!" At mmm, wag ka, in fairness... ang acting ng lola mo ang taray! Panalo sa talent yung mga nagperform, lalo na yung karibal ni Zaturnnah na si Queen Femina! Ang lakas ng voice power, kaso medyo mabilis siya magsalita kung hindi mo napanood yung sine o kaya nabasa yung komiks, olats ka. Okay rin yung gumanap bilang DiDi. Haha, markado yung papel niya, lalo na yung hanep na intermission message. Hindi ko alam kung Espanyol ba yun o lenggwaheng bading, pero ang nakakaloka e naintindihan ko yung mga sinabi niya! Ang sweet tignan ni Dodong at Ada. Medyo nakakailang nga lang dahil gay love yun e! Pero, okay narin. Basta, lahat sila, sa kabuuan e naging magaling!

Ang sexy talaga ni Eula Valdez. Mmm. Ang lola mo nag-poledancing!

Okay rin yung mga epeks epeks sa stage, lalo na pag dumidilim tapos gumagamit sila ng neon painted at/o mga glow in the dark na mga bagay. Medyo panget yung sounds, recorded nalang ata yung ibang eksena, pero basta wag lang bingi, keri naman.

Ang sexy ni Eula Valdez.

Ang sexy ni Eula Valdez.

Ang sexy ni Eula Valdez.

Ang sexy ni Eula Valdez.

Ang sexy ni Eula Valdez.

Salamat sa tiket, Jet. Hindi ko alam na hindi mo alam na fan ako ni Zaturnnah. Hindi ko alam na hindi mo pa napapanood yung sine, at/o nababasa yung komiks. Ahe.