Tuesday, March 31, 2009

Hoy hoy hoy (Kwentong Sidewalk)

Ambilis ng lahat ng pangyayari. Ngayong hinuhugot ko siya mula sa aking gunita, parang 5 seconds lang ang lahat.

Wala talaga akong paliwanag sa political economy of street vendors. Naglalakad ako sa mataong lugar kanina, pansin ko na sobrang sikip ng daanan at yung mga tao nagsisimula nang sakupin yung gilid ng kalsada na lampas pa ng bangketa para lakaran. Ang dami kasing nagtitinda sa kalye. Parang tyangge, flea market, ukay-ukay. Iba-ibang pamamaraan at estilo ng pagbebenta. Me nakalatag, nakakariton, me mga metal wire stand.

Naisip ko pano kaya kung paghuhulihin itong mga taong ito, kumpiskahin yung mga paninda nila at sampahan sila ng illegal vending? Hindi mo naman pwedeng sisihin sila, sindikato man o hinde, kasi taghirap talaga ngayon. Diba? diba?!

Ayon. So habang nag-iisip palang ako na sumigaw ng "May pulis *at the top of my lungs* may puleeeeeeesssss umalis kayo!" Biglang nakarinig ako ng "Hoy! Hoy! Hoy!" Parang Mister Suave. Haha. Pero seryoso.

Tapos nun me mga lumilipad na cap sa gilid ko. Paglingon ko me mama pala na bitbit yung paninda niya ng mga sumbrero, hahaha. Tapos me mga iba pang sumisigaw, me mga kariton na kumakaripas palayo, mga panindang nawala bigla sa bangketa. Lahat nang yan wala pang five minutes. Parang shooting lang tapos sabi ni direk, PACK-UP! tapos konting konting saglit lang talaga nawala lahat ng gamit, tao, at paninda.

Pero kasi, false alarm lang siya, wala naman pala talagang pulis na manghuhuli (sayang, maaksyon pa naman sana yun pag nagkataon), me mga isang kumpol lang ng sidewalk vendor yung umusog nagmamadali kasi nagbukas yung gate ng isang di masyadong kalakihang bahay ata yun - basta me lalabas na van. So umusog sila, e paranoid ata yung ibang vendor kaya dali-dali silang nag-evacuate na parang may state of calamity. Ayun, pagkatapos ng joke-joke-joke, singbilis ng pagkawala at bumalik din sila sa kani-kanilang pwesto. Ang galing talaga. Feeling ko kanina nagfast forward yung mundo habang ako naman e naka slow motion.