Thursday, February 12, 2009

Isang kalahati at isang araw ng linggo na puro one liner

Lunes
Nagising ng maaga.
Natulog ulit.
Bumagsak sa current events quiz.
Nainis sa email na hindi nabasa.
Nag-imbento ng sagot para sa seatwork.
Nagpasa ng seatwork.
Walang makasama ng lunch.
Nag-videoke kasama ang ilang kaklase pagkatapos ng lunch.
Nagpalipas ng oras sa tapat ng aircon.
Sumakit ang lalamunan.
Walang klase.
Umuwi.
Binati ang lola na balikbayan.
Sinipon.
Nilagnat.
Na-dislocate sa sariling kwarto para sa bisita.
Natulog sa sofa bed.
Hindi makatulog sa sofa bed dahil mainit.

Martes
Tanghali na gumising.
Hindi na tulo uhog ngunit sinisipon parin.
Inuubo narin.
Nangain ng longganisa ng ibang tao.
Natuluyan na sa pagkakasakit.
Hindi nakapagpasa ng papel at notecards.
Nagpanggap.
Nagpanggap na gumagaling na.
Kumain ng pasalubong na Cheeseburger at Fries.
Nangain ng fries ng ibang tao.
Ayaw matulog sa sofa bed.
Natulog sa sofa sa sala.
Nanaginip ng mga naliligaw na mga dolphin sa Bataan.


Miyerkules

Nangain ng Cheeseburger ng ibang tao.
Nagpumilit pumasok kahit barado ang ilong at tumatahol sa kakaubo.
Nainis sa taga-Ateneo na nang-antala ng klase.
Nainis sa taga-Ateneo na nang-antala ng nakahandang talumpati na ihahatid sana sa klase.
Hindi na nag-klase.
Bumili ng kapalit ng Cheeseburger na ninenok sa ibang tao.
Bumili ng gamot.
Lumaklak ng gamot.
Natulog sa sofa sa sala.
Nanaginip ng mga naliligaw na mga balyena sa Bataan.

Huwebes
Gumising nang pagka-aga-aga.
Nagluto ng longganisa.
Nagprito ng itlog.
Natulog sa jeep.
Natulog sa LRT.
Nakalimutan ang libro na isosoli sa library.
Ginamit ang jacket pantakip ng bibig kapag umuubo.
Kumain ng plema.
Lumuwa ng plema.
Kumahol.
Bumagsak parin sa retake exam.
Mataas ang nakuhang grado sa inimbentong seatwork.
Gumawa ng bagong seatwork.
Naguluhan sa schedule na overlapping.
Nagpaampon sa mga freshies para sa lunch.
Nangtrip ng mga taong dumadaan.
Tumambay sa lobby.
Wala ulit klase.
Nanlibre ng drink.
Wala ulit klase, iba naman.
Nanlibre ulit ng drink, iba naman, mas mahal.
Umuwi.
Hindi pa nakauwi dahil nagtsismisan tungkol sa mga bading.
Napakain nang disoras.
Nakakita ng dating kabatak.
Nagkwentuhan ulit.
Umuwi, totoo na talaga.
Nakita ulit ang dating kabatak.
Nakaupo sa LRT.
Nag-isip sa jeep.

Taktakataktaktaktakatak.
Ang dami pang ibang kelangan pagkasyahin sa araw ng Biyernes at Sabado. Mas marami pa kesa sa inaakala at mas marami pa kesa sa kakayanin. (Itutuloy)