Tuesday, February 17, 2009

Habang ang batchmate/s ko

Class '08 dapat ako. Dahil huminto ako sa pag-aaral para magtarbaho, baka next year pa ako makakagraduate. Ayun, okay lang naman, wala naman sakin yung panahon na lumipas dahil sa identity crisis.

Matagal ko nang inisip at talaga namang pinaninindigan ko, na matapang ako. A woman with her own courage, wika nga nila. Free as the wind, sabi ng mahal ko. Gusto kong sabihin na hinde, na minsan lang yun, na halos sa lahat ng pagkakataon e duwag naman talaga ako at walang tiwala sa sarili. Gusto kong sabihin yun para sabihin sa iba na normal lang din ako, kahit hindi at hindi talaga nila maiintindihan.

Masaya ako sa kung anong meron ako ngayon, kulang lang talaga ako ng konting tiyaga. Konti lang. Madalas naman e masipag ako. Kumbaga, me problema man, madaling ayusin, nalalampasan, lumilipas.

Bakit yung ibang tao, hindi nila kayang maging kasing tapang ko? Konting problema bumibigay na agad. Kung ikkwento ko lang ang klase ng emotional violence na pinagdaanan ko, siguro sasabihin nila, napakaOA na nila. Pero siguro me ganun lang talagang tao, konting kibot, suicide na agad. Kung hindi man miserable ang buhay, ginagawang mas miserable ang buhay ng iba.

Class '08 ka rin dapat. Dahil nagshift ka, delayed ka. Graduating ka na nga e. Sana, okay ka lang din, kasi alam ko, mas malakas ka kesa sakin. At di hamak na mas matapang.