Thursday, August 28, 2008

Nasan na ba ako

Isang saglit lang, hindi rin naman ako makatulog.

Dapat pala hindi ko muna nilagay sa ref yung ulam, mainit pa kasi. Kulang nga ng sahog e. Parang tuloy adobo na hindi. Bukas sana mukhang afritada na siya.

Kunyari busy ako. Kunyari hinde.

Bakit hindi ko matext si Camille, si Bea, o kungsinuman. Tanga. Huli na. Dapat kahapon pa. Nung isang araw, di kaya?

Bakit hindi ko rin mahagilap si Ma'm Bien. Hindi ko nga alam kung anong itsura niya. Teka san ko ba siya hahanapin? Ano nga ulit yon?

Bakit wala pa akong kopya nung mga libro na mas importanteng mabasa ko? Ang dami dami nang ipapasa sa susunod na linggo. Imbento naman yung nasa internet e. Puro nalang internet. Sana me *.pdf nalang na library.

Bakit sabi ko magluluto lang ako tas babalik ako sa pc ko hindi ko naman ginawa. (Sorry Eli.) Ngek.

Bakit pinapabayaan kong magkaroon ng missed call yung cellphone ko. Ang layo layo naman kasi ng Hongkong. Tatawag nalang mangpaparatang pa na nandugas ako. Siya kaya yung madugas.

Bakit ba ang galing ko rin magsinungaling minsan? Di nga? Weh.

Ano nga bang pinagkaiba ng reflection paper at journal? Napapaisip din tuloy ako.

Nakakamangha yun Econ11 class ni Ponsaran. Hindi dahil malaman yung creative presentation nila, kungdi dahil nakuha pa nilang magkaroon ng creative presentation sa kabila ng kawalan nila ng projector. Kami nga me lcd projector na't lahat lahat, sumasablay pa minsan.

Unti-unti na atang bumababa ang kalidad at (ano ba tagalog ng) standard ng edukasyon sa pinapasukan ko. Ang daming tao na puro sa internet nalang kumukuha ng report, assignment, research. Ano pang silbe ng dyaryo, peryodiko at mga libro? =\

Hahaha. Ang swerte din minsan ni Quincy. Pag absent siya, absent din yung prof.

Gusto kong magpa-foot spa. Wala akong materyal na kondisyon para gawin yun.

Ang dami kong gustong basahin na libro. Bilhin. Ulit, wala akong materyal na kondisyon para gawin yun.

Haha, asteeg parang brain dump.

Bumili ako ng hikaw. Bilog, malaki parang pang pokpok. Gusto ko rin sana subukan yung mga bagong headband. Yung parang me mariposa ka sa ulo sa laki nung ribbon.

Namimiss ko si Jet. *Luha luha*

Nagugutom ako pero wala akong gana kumain. Wala rin akong balak magluto. Gusto ko ng Pinakbet. Wala namang gulay. Wala ring bagoong.

Mas makakabuting itulog ko nalang to.

Pilitin kung ayaw.

No comments: