Naglilibot ako sa internet ngayon, namamasyal. Naghahanap ng may kabuluhang lathalain - hangga't maari ayokong bumisita sa wikipedia. Wala rin naman akong ugali na tumutok sa YouTube at mga katulad na website.
Naalala ko kagabi ang kagyat kong paghingi ng paumanhin sa aking kausap nang sabihin niya sa akin na patay na si George Carlin. Walang simpatya kong tinugon, "Hindi ko siya kilala." Naisip ko noong oras na iyon pedeng pede ko tanungin si pareng Google, at wala pang limang sandali ay sasagutin niya ako ng 10 beses o higit pa. Ayokong magpanggap na alam ko ang lahat ng bagay, ayokong magkunwari na walang hangganan ang aking nalalaman dahil nariyan ang internet. Oo, solusyon siya sa karamihan ng mga tanong - sa mga sagot na ikinatatamad kadalasan hanapin sa tunay na libro at dyaryo; Subalit, ayokong masanay sa abot-kamay na balita.
Nakita ko si Billy Crawford sa tv kanina. Gwapo parin siya, ang kumontra pangit. Pag nasa tv siya, parang sirang plaka na uulitin ni mama na kesyo nung bata pa daw ako, tuwing makikita ko si Billy sa tv eh sumisigaw ako ng "boyfriend ako, boyfriend ako". Gustong-gusto ko talaga siya dati, magaling siya kumanta saka sumayaw e. Tuwing ipapaalala ni mama sakin yung relasyon namin dati - nakipaghiwalay ako sa kanya nung umalis siya papuntang States dati; okay lang hindi rin naman niya alam na naging kami - , gusto kong matunaw sa hiya.
Kagaya ng nakaugalian, nilibot ko ang mga blog ng aking mga kakilala, na karamihan ay Ingles ang pangunahing diyalekto. Pagkatapos ay kumadirit ako patungo sa mga iba pang nairekomendang blog at lugar sa internet, na karamihan ay sa Filipino nakalathala. Naisip ko tuloy, bat ba ako sa Ingles nagsusulat? Ba't di nalang sa Filipino? Anu to? Nasyonalismo? Haha, hinde.
Naisip ko lang, ba't ko pipilitin ang sarili kong sumulat sa Filipino kung minsan may lumilitaw din namang Ingles? Nagiging Taglish lang, ang sagwa pakinggan. Kung sa kaya lang, e, kaya ko naman magsulat sa Filipino kagaya ng ginagawa kong ngayon. Wala akong dapat patunayan.
No comments:
New comments are not allowed.