Maligayang pagbati sa mga tatay!! ^_^
Kasama ang aking Papa, Mama, at kapatid na si Margie, ipinagdiwang namin ang Father’s Day.
Nagsimula ang araw na ito nang ginising ako ni mama. Kagabi pa niya sinabi sa akin na kelangan gumising ng maaga upang magsimba sa 9:30 am na misa.
Ayon, ginising ata ako ng mga 8am. Pero pramis tingin ko talaga nun 8:30 na.
Nagising ako, natulog ulit at ginising ng bandang 9am. Nung oras ding yon, nagkakaripas akong bumangon, naligo at nagbihis.
Bago magmisa, sinesermunan ang kapatid ko. Haha. (Talagang kelangan kasama pa yon.)
Pagkatapos ng misa, bumalik kami saglit sa bahay para pakainin yung mga aso.
Eh, mga gutom kami kaya kumain muna sandali, konting snacks lang..
Tapos, nagpunta kami sa SM Fairview.
Manunuod kami ng sine, dapat Fantastic Four: Rise of the Silver Surfer kaso ayaw yon ni Mama. Bandang huli pinanuod namin yung Bordertown ni Jennifer Lopez at Antonio Banderas. Akala ko horror yun. Nagulat ako hindi pala. Isa syang magandang kwentong pulitikal na magpapabago ng pananaw mo sa Free Trade. May extra pang halimbawa ng media killings.
Pagkatapos ng sine. Gutom na kami. Dapat sa Congo Grille kami kakain, kaso nag-aya ako sa Max’s. Umorder kami ng Kare Kare, Manok at Pansit. Pumili ako ng Ube Creme bilang Dessert.
Nung Bill out na, sabi ko ako nalang magbabayad. Natuwa si Papa. Nagreklamo pa’t ngayon lang daw ako nanlibre mula nang nagkatarbaho ako. Sumagot si Mama. Palagi ko daw sila nililibre ni Margie. Nagkakataon lang wala palagi si papa.
Nagbiro ako, sabi ko, tutal ako naman ang nagbayad ng bill, baka naman pedeng maggrocery na kami. =D Pumayag naman si Papa, at kahit bondat kami, ayun at lumipat kami sa Robinson’s Fairview para maggrocery.
Bumili ako ng pampaputi. Feeling ko kasi maitim ako.
Puputi ako in 2 weeks. Yey!
Tapos umuwi na kami.
Pagod. Saya.
No comments:
New comments are not allowed.